Sinabi ni Asst. Secretary Celine Pia­lago, tagapagsalita ng MMDA, na maaaring magdulot ng higit na pagbagal ng trapiko ang “simulation exercise” sa mga lugar na daraanan ng convoy partikular na sa EDSA.
Joven Cagande/File
Dry run sa SEA Games traffic plan, ikinasa
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) ang mga motorista sa ipatutupad na “simulation”  o ‘dry run’ ng convoy ng mga atleta at delegado sa gaganaping Southeast Asian Games (SEAG) ngayong Nobyembre 14 (Huwebes).

Sinabi ni Asst. Secretary Celine Pia­lago, tagapagsalita ng MMDA, na maaaring magdulot ng higit na pagbagal ng trapiko ang “simulation exercise” sa mga lugar na daraanan ng convoy partikular na sa EDSA.

Ngunit humingi ng pag-unawa ang MMDA sa mga motorista dahil sa kailangan umano ito upang makita ang mga posibleng problema sa biyahe ng mga delegado at atleta buhat sa 22 hotels sa Metro Manila patungo sa mga sports venues partikular na sa Philippine Arena at sa Rizal Memorial Stadium.

Bukod sa EDSA, ilan sa mga kalsadang daraanan ng convoy na binubuo ng mga bus at ilan pang sasakyan ay ang Mindanao Ave­nue, Buendia Avenue, Quirino Avenue at Taft Avenue.

Magpapatupad ng ‘stop and go scheme’ sa lahat ng panulukan sa EDSA para mabilis na makadaan ang convoy habang maglalagay din ng mga orange bar-riers sa mga lanes na daraanan partikular sa yellow lanes.  Daraan din ang convoy sa mga underpass at flyovers.

 

 

TRAFFIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with