63-anyos na ate, dinedo ng utol
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang 63-anyos na babae makaraang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid sa gitna ng pagtatalo ukol sa hatian ng tinitirhan nilang bahay na mana nila sa kanilang mga magulang, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawi na si Arlene Monzarrate , ng  Quirino Avenue, Brgy. Don Galo, ng naturang lungsod habang naaresto ang suspek na si Warren Guadarrama, 55, walang trabaho at nakatira rin sa parehong lugar.

Sa ulat ng Parañaque City Police, naganap ang krimen dakong alas-3:05 ng hapon sa loob ng tinitirhan nilang bahay na iniwan sa kanila ng mga namayapang magulang.

Nabatid na isang pagtatalo ang naganap sa mag-ate ukol sa kung sino ang mas may karapatan sa bahay ng mga magulang hanggang sa mapikon at kumuha ng patalim si Guadarrama saka pinagsasaksak ang kanyang nakatatandang kapatid.

Sinaklolohan at isinugod ng mga kapitbahay ang biktima sa Ospital ng Parañaque ngunit hindi na siya umabot ng buhay. Nadakip naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek.

Nakaditine na sa Parañaque City Police Detention Center ang suspek na nahaharap na sa kasong Homicide sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with