^

Metro

Road repair, beautification bawal muna -- MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga lokal na pamahalaan na bawal muna ang road repairs kabilang ang pagpapaaspalto at beautification projects sa mga kalsada umpisa kahapon.

Ito ay bahagi ng aksyon ng pamahalaan para mabawasan ang mas matinding pagbigat ng trapiko nga-yong Kapaskuhan.

Matatandaan na isinasailalim na rin sa moratorium ang mga road repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula Nobyembre 10 hanggang Enero 10 sa 2020.

Sinabi ni MMDA Asst. Secretary Celine Pialago na epektibo na rin ang pag­papahinto sa weekday sale ng mga shopping malls sa EDSA para hindi rin makadagdag sa bigat ng trapiko.

Pakiusap ni Pialago sa mga alkalde sa NCR, sa susunod na taon na lamang nila ituloy ang mga ‘asphal-ting and beautification’ sa kanilang mga nasasakupan.

Maaari naman na magsagawa ng repairs sa mga emergency na sitwasyon tulad ng pagkumpuni sa mga sirang utility facilities na papayagan ng MMDA.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with