^

Metro

Vaping bawal na sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasa ang Sangguniang Panglungsod ng Pasay ng ordinansa na nagbaba-wal na mag-’vape’ o gumamit ng ‘e-cigarette’ ang sinuman sa lahat ng pampublikong lugar sa siyudad.

Sa ilalim ng City Ordinance no. 6061 series of 2019, ipinagbabawal ang vaping sa lahat ng pampublikong tanggapan, pa­ga­mutan, mga paaralan, at lahat ng ‘recreational facilities’ tulad ng mga parke.
Bawal ding gumamit nito sa lahat ng ‘enclosed’ o nakasaradong mga pribadong pasilidad o maging sasakyan maliban na lamang kung papayagayan ng may-ari o may awtoridad sa lugar. Mahigpit ring ipinagbabawal ang pagbenta ng anumang ‘vaping device’ o ‘e-cigarette’ sa mga menor-de-edad.

Ang mga mahuhuling lala­bag sa ordinansa ay papatawan ng minimum na multa na P2,000 o 12 oras na ‘community service’ sa unang paglabag at hanggang P4,000 multa o 24 na oras na ‘community service’ sa ikatlong paglabag.

“It is high time to impose stricter measures on these substances to protect the youth and the general public against the ill-effects of cigarette smoking and vaping,” ayon kay Mayor Calixto-Rubiano.

vuukle comment

VAPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with