^

Metro

Angkas driver at kasabwat na bebot, timbog sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Angkas driver at kasabwat nitong babae matapos na mahulihan ng 24 na pakete ng shabu sa isang joint buy-bust operation sa Quezon City kamakalawa.

Ayon kay QCPD Officer-In-Charge, P/Col. Arthur Bisnar, ang mga suspek na sina Jomar Ocfemia, 34, ng Brgy. B.L Crame at kanyang kasabwat na si Rhea Calumba, 24, ng Brgy. San Roque, Cubao ay inaresto ng mga tauhan ng Cubao Police Station (PS 7) at PDEA National Capital Region (NCR) dakong alas-9:30 ng gabi sa isang joint buy-bust operation sa 2nd Camarilla St., malapit sa 18th Ave., Brgy. San Roque, Cubao. 

Sinabi ni Bisnar na si Ocfemia ay dati nang naaresto ng PS-7 sa kasong pag-iingat at pagbebenta ng illegal na droga noong Nobyembre 8, 2016 ngunit nakapag-avail ng plea bargaining sa Quezon City Regional Trial Court Branch 15, habang si Calumba naman ay isang drug surrenderee ng Brgy. San Roque.

Bago ang pag-aresto ay inilagay umano sa close monitoring ng mga awtoridad at ng barangay officials ang mga suspek matapos na makatanggap ng ulat na bumalik ang mga ito sa kanilang ilegal na aktibidad. 

Nang makumpirma ang ulat ay kaagad nang nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek, na kaagad na inaresto matapos na mahulihan ng 24-pakete ng shabu, na nagkakahalaga ng P20,400; isang motorsiklo, cellphone at buy-bust money.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with