Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, singil sa kuryente tataas
Magkahalintulad na dagdag-presyo sa gasolina na aabot sa P.85 sentimos kada litro ang itataas ng Caltex at Petron habang mas maliit ng bahagya na P.80 sentimos kada litro naman ang itataas ng Pilipinas Shell. Pare-pareho ring magro-rolbak ang tatlong kompanya ng P.15 sentimos sa kada litro ng diesel at P.10 sentimos sa kerosene.
Boy Santos/File
Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, singil sa kuryente tataas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng dagdag-bawas sa gasolina, diesel at kerosene habang nakatakdang magtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Nobyembre.

Sa kani-kanilang mga anunsyo, umaga ngayong darating na Martes isasagawa ang lingguhang price adjustment na pangungunahan ng Big 3 oil companies.

Magkahalintulad na dagdag-presyo sa gasolina na aabot sa P.85 sentimos kada litro ang itataas ng Caltex at Petron habang mas maliit ng bahagya na P.80 sentimos kada litro naman ang itataas ng Pilipinas Shell. Pare-pareho ring magro-rolbak ang tatlong kompanya ng P.15 sentimos sa kada litro ng diesel at P.10 sentimos sa kerosene.

Sasabay sa kanila ang mas maliliit na oil companies kabilang ang Petro Gazz na may dagdag sa gasolina ng P.80 sentimos sa gasolina at rolbak na P.15 sentimos sa diesel habang ang Phoenix Petroleum ay P.85 sentimos na dagdag sa gasolina at P.15 sentimos na rolbak din sa diesel ang gagawin. 

Magrorolbak naman ang Cleanfuel sa kanilang produktong Auto LPG ng P.30 sentimos kada litro.

Nakatakda namang magtaas sa singil ng kuryente nga-yong Nobyembre ang Meralco dahil sa pagtaas ng halaga ng enerhiya sa spot market.

Tinatayang nasa P.47 sentimos kada kilowatthour ang itataas sa bill ngayong Nobyembre. Dahil dito ang mga komukonsumo ng 200kwh kada buwan ay madadagdagan ng P94 ang kanilang babayaran, P141 dagdag sa mga may konsumo ng 300kwh, P188 sa 400kwh at P235 sa may mga konsumo ng 500kwh.

Sa kabila ng dagdag-singil, mas mababa pa rin umano ang presyo ng kuryente ngayong Nobyembre sa P9.56 kada kwh kumpara noong Abril na nasa P10.56/kwh.

 

OIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with