Ineeksamin ng mga tauhan ng Customs ang nasamsam na anim na kilo ng shabu sa isang Pinay passenger buhat Cambodia na nagkakahalaga ng P40.8 milyon.
Kuha ni Rudy Santos
Pinay ‘drug mule’ huli sa P40.8 milyong shabu sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang pinaniniwalaang Pinay drug mule ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, matapos makita sa customs x-ray scanning machine ang may P40.8 milyong halaga ng shabu ang bagahe nito.

Kinilala ni NAIA Customs Collector Mimel Talusan, ang isang A. Alexandra, na duma­ting sa NAIA galing Siam Reap, Cambodia, via Flight 5J 528.

Ayon kay Talusan, ang bagahe ni Alexandra ay idinaan nila sa x-ray scanning at nakitaan ito ng shabu.

Sa ginawang joint inventory of ng BoC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), may 6 kilo ng shabu ang dala ni Alexandra.

Ang sinasabing drug mule ay inilipat ng BoC sa kustodya ng PDEA para sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act, and RA 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon kay Talusan, ang lahat ng mula sa Golden Triangle (Laos, Myanmar, at Thailand) at kalapit bansa nito ay inilagay sa red alert matapos makakumpiska ang Customs noong Setyembre  ng P35 million halaga ng shabu sa isang pasahero galing  Vietnam. 

Sabi ni Talusan, dalawang drug mule din galing Siam Reap, Cambodia ang nahuli nila sa paliparan na may dala ring kilu-kilong shabu. 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with