Gaganapin ang SEAG mula Nobyembre 30 hanggang Dis­yembre 11 ngunit may ilang events na maagang mag-uumpisa.
File
Ban sa mall sales, class suspension inirekomenda ng MMDA sa SEA Games
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirekomenda sa Malacañang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal muna sa mga sales sa mga malls sa EDSA at suspensyon ng klase ng ilang paaralan na malapit sa bisinidad ng mga venue na pagdarausan ng ilang laro ng Southeast Asian Games (SEAG).

“Wala po sanang mall sales sa EDSA and all other SEA Games routes, billeting hotels man po ito o sports venues. Pangalawa, nag-recommend po ang MMDA ng class holiday from Dec. 2 to 6 sa 7 paaralan,” ayon kay Asst. Secretary Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA.

Sinabi ni Pialago na ang naturang mga plano ay bahagi ng pagnanais nila na maging maayos ang daloy ng trapiko para sa mga delegado at atleta na kalahok sa SEAG.

Tumanggi muna si Pialago na banggitin ang pangalan ng pitong paaralan na inirekomenda nilang huwag munang magklase mula Disyembre 2-6 hanggang hindi pa naaaprubahan ng Palasyo.

Gaganapin ang SEAG mula Nobyembre 30 hanggang Dis­yembre 11 ngunit may ilang events na maagang mag-uumpisa.

Kabilang dito ang “send-off ceremony” sa Nobyembre 13 sa Rizal Memorial Stadium sa Malate, Maynila; sa Nobyembre 14 naman ang “simulation ng opening ceremonies” kung saan 16 na bus na may vehicle access buhat sa Southern Luzon at Metro Manila ang darating.

Sa Nobyembre 15 naman ay mag-uumpisa na ang elimination rounds ng ilang sporting events sa 21 venues sa Metro Manila, rehearsal ng opening ceremonies sa Nobyembre 26 sa Philippine Arena sa Bulacan hanggang sa opisyal na ope­ning ceremonies sa Nobyembre 30 sa naturang venue.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with