Sa ulat ng Muntinlupa City Police, nabatid na naglalaro ang biktima sa may Ilaya Street, Brgy. Alabang, dakong alas-12:30 ng hapon nang biglang pumalahaw ng iyak.
Philstar.com/File
Paslit kritikal sa ligaw na bala
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan ang isang 6-anyos na batang babae makaraang tamaan ng hinihinalang ligaw na bala sa leeg habang naglalaro  malapit sa kaniyang bahay sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

Isinailalim sa operasyon sa Medical Center Muntinlupa (MCM) ang biktimang itinago sa pangalang Lucy para matanggal ang slug ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kaniyang leeg.

Sa ulat ng Muntinlupa City Police, nabatid na naglalaro ang biktima sa may Ilaya Street, Brgy. Alabang, dakong alas-12:30 ng hapon nang biglang pumalahaw ng iyak.

Nagawang makauwi ng bata na sinalubong ng kaniyang lolo na si Leonardo Ruy, 60. Dito napansin ng matanda na duguan ang apo kaya dali-dali nilang isinugod ang bata sa pagamutan. Nang isailalim sa x-ray, nadiskubre ang slug na nakabaon sa leeg ng paslit.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Umaasa sila na may lalantad na testigo upang matukoy kung sino ang nagpaputok ng baril sa naturang lugar na dahilan para tamaan ang biktima.

BALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with