Ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon City Police District Kamuning Police Station (PS-10) Drug Enforcement Unit na 12 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.4 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Novaliches sa nabanggit na lungsod.
Kuha ni Miguel De Guzman
3 timbog sa P 1.4 milyong marijuana
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang mga notoryus na drug pushers ang inaresto ng mga awtoridad matapos   magbenta ng P1. 4 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon nitong Huwebes ng gabi at kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City  Police District (QCPD) Acting Director Police Colonel Ronnie Montejo ang mga nasakoteng suspect na sina John Paulo Flores, alyas Sindi, 29  ; Ryan Erpelo, 29   at Kees Van Paul Lorenzo, 34.

Ayon kay Montejo, isang confidential informant ang nag-tip sa mga pulis sa pagbebenta ng mga suspect ng marijuana sa group chat ng mga ito sa facebook messenger.

Matapos na maberipika ang impormasyon, isang anti-drug operative ang nagpanggap na poseur buyer ang nakipag-deal para bumili ng marijuana sa halagang P40,000 mula sa mga suspect.

Agad namang isinagawa ang buy bust operation kung saan nakumpiska sa mga ito ang dalawang bricks at isang ziplock ng pinatuyong? dahon ng marijuana na nagkakaha­laga ng P240,000.00, cellular phone, motorsiklo at buy bust money.

 Ikinanta rin ni Lorenzo sa mga awtoridad na may mga stocks pa sila ng marijuana  sa bahay at nakipagkooperasyon na isusurender na ito sa mga operatiba.

Bandang alas-2:19 ng madaling araw nitong Biyernes ay nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga anti-drug operative sa tahanan ni Lorenzo sa Maximo Drive, Brgy. San Agustin, Novaliches na nagresulta sa pagkakasamsam pa ng karagdagang 12 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.4-M na nasa loob ng Hyundai Starex ng mga ito sa compound ng tahanan ng suspect.

 

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with