Utol ni Kap, nagbigti
Nakilala ang biktima na si Joseph Punzalan, 44, ng 4470 R. Pascual St., Barangay Batis, na kapatid ni Chairman Christopher Punzalan ng Barangay Kabayanan, San Juan City.
File

Utol ni Kap, nagbigti

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang kapatid ng barangay chairman nang magbigti sa loob ng kanyang silid sa Barangay Batis, San Juan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Joseph Punzalan, 44, ng 4470 R. Pascual St.,  Barangay Batis, na kapatid ni Chairman Christopher Punzalan ng Barangay Kabayanan, San Juan City.

Batay sa ulat ng San Juan City Police, dakong alas-8:30 ng gabi nang isagawa ng biktima ang pagpapatiwakal sa loob ng kanyang sariling silid.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na huling nakitang buhay ang biktima na palakad-lakad at balisa at saka pumasok sa kanyang silid at nagkulong.

Maya-maya ay nagpasiya na ang mga kapatid ng biktima na kausapin siya hinggil sa kanyang problema ngunit matagal na silang kumakatok sa pinto ay hindi ito nagbubukas ng silid at hindi na rin sumasagot.

Dito na nagpasya ang mga kapatid ng biktima na puwer­sahang buksan ang pinto ng silid.

Nang mabuksan ang pinto ay bumulaga sa kanila ang bangkay ng biktima na nakabigti sa isang steel bar, gamit ang electrical cord.

Kaagad namang ini-report ng pamilya sa mga awtoridad ang insidente ngunit tumanggi nang magpaimbestiga dahil sa paniwalang wala namang foul play sa pangyayari.

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with