Sa presscon sa DILG kahapon, sinabi ni Undersecretary Jona­than Malaya, pinagpapaliwanag na nila ang mga LGUs na hindi nakatugon sa taning na 60 araw na clearing operation.
Edd Gumban
101 LGUs bigo sa clearing ops-DILG
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2019 - 12:00am

inisyuhan na ng ‘show cause order’

MANILA,Philippines — Mula sa dating 97 ay umakyat sa 101 na Local Government Units (LGUs) ang pinadalhan na ng ‘show cause order‘ ng Department of Interior and Local Government (DILG) makaraang mabigo sa utos na ­clearing operations sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa presscon sa DILG kahapon, sinabi ni Undersecretary Jona­than Malaya, pinagpapaliwanag na nila ang mga LGUs na hindi nakatugon sa taning na 60 araw na clearing operation.

Ayon kay Malaya, bagsak ang 101 na LGUs sa isinagawang evaluation sa kanila ng kagawaran base na rin sa personal na assessment ng mga tauhan ng DILG.

Ang nasabing bilang ay mula sa 1,516 na LGUs sa buong bansa na nagsumite ng kanilang accomplishment reports matapos ang 60 araw na taning.

Ani Malaya, nakapagtala sila ng 22 percent na pagtaas sa mga “low-compliant” na LGUs habang 28 percent sa “medium-compliant”.

Matapos maipalabas ang ‘show cause order’, ay hihintayin ng DILG ang mag­iging tugon at paliwanag ng mga lokal na opis­yal bago sila tuluyang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Malaya, kailangan nilang ipaliwanag kung bakit hindi sila nakatugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang kanilang nasasakupan sa road obstructions.

Samantala, sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na mayroon din silang ipalalabas na ‘show cause orders’ sa 99 mga opisyal ng barangay sa Maynila.

DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT LOCAL GOVERNMENT UNITS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with