^

Metro

16 natatanging Pinoy, kinilala sa Manuel Quezon Gawad Parangal ng Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
16 natatanging Pinoy, kinilala sa Manuel Quezon Gawad Parangal ng Quezon City
Ang Manuel Quezon Gawad Parangal ay pina­­ngunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.
File

MANILA,Philippines — Binigyang pagkilala ng Quezon City government ang may 16 na indibiduwal na nakapagbigay ng tulong sa pag-unlad ng lungsod kaalinsabay ng pagdiriwang sa ika- 80 taong foundation anniversary ng QC.

Ang Manuel Quezon Gawad Parangal ay pina­­ngunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.

Ilan sa mga tumanggap ng parangal ay sina Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao, ex-Rep. Gloria Arroyo, Chief Justice Lucas Bersamin,  Senate President Tito Sotto, Sen. Manny Villar, General Guillermo Eleazar, DOTR Secretary Arthur Tugade at ilan pang mga  kilalang personalidad sa negosyo, academe at iba pa.

Sa kanyang keynote speech, sinabi ni Belmonte na ang mga nabigyan ng parangal ay mga natatanging indibidwal na tumulong para magtagumpay at magkaroon ng pagbabago ang QC.

Nanawagan din si Belmonte sa mga empleyado ng QC hall na magkapitbisig at patuloy na maging masigasig sa pagtatrabaho upang makamit ang isang progresibo at maunlad na lungsod.

 

 

vuukle comment

MANUEL QUEZON GAWAD PARANGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with