Nakilala ang nasawi na si Jesus Paulite, 61, na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo matapos siyang sagasaan ni Rommel Cabillos, driver ng ten-wheeler truck sa may Samson Road sa nabanggit na lungsod.
Edd Gumban
Traffic enforcer sinagasaan ng hinuhuling truck driver, patay
Marc Jayson Cayabyab (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Patay ang isang traffic enforcer makaraang sadya siyang sagasaan ng truck driver na kanyang hinuhuli kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Jesus Paulite, 61, na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo matapos siyang sagasaan ni Rommel Cabillos, driver ng ten-wheeler truck sa may Samson Road sa nabanggit na lungsod.

Kasong murder ang isasampa laban kay Cabillos, ayon kay Caloocan deputy police chief for administration Lt. Col. Ferdinand Del Rosario.

Nabatid na hinihingi ng biktima ang driver’s license ni Cabillos dahil sa traffic violations pero imbes na ibigay ay sinagasaan nito ng truck ang biktima.

TRAFFIC ENFORCER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with