Nagawa namang makahingi ng mga kidnappers ng P30,000 RMB bilang ransom kapalit ng kanyang kalayaan at pinadalhan rin ng video ang pamilya ha-bang ginugulpe ang biktima.
FIle
3 dayuhan kinasuhan sa kidnapping ng Taiwanese
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Sinampahan na ng kasong kriminal ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang tatlong dayuhan na sangkot sa pagdukot sa isang Taiwanese na em­pleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Makati City, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni PNP-AKG Director Colonel Jonnel Estomo ang mga sinampahan ng kaso na sina Rong Jiawei, 24; Yang Lei, 37 at Malaysian Tang Chan Hong, 40.

 Ayon kay Estomo, ang mga dayuhang suspect ay ipinagharap ng kaso sa Department of Justice.

 Sinabi ni Estomo na ang mga suspect ay akusado sa pagdukot sa biktimang si Chang Hsu-Chun, 29, Taiwanese national na kinidnap sa Milano Residen­tes sa Brgy. Poblacion sa lungsod ng Makati noong Oktubre 16 ng taong ito.

Samantalang ang biktima ay nasagip naman sa follow-up operation ng mga awtoridad sa Berjaya Hotel sa Brgy. Poblacion, Makati City bandang alas-10:20 ng gabi noong Biyernes.

Nagawa namang makahingi ng mga kidnappers ng P30,000 RMB bilang ransom kapalit ng kanyang kalayaan at pinadalhan rin ng video ang pamilya ha-bang ginugulpe ang biktima.

Humingi naman ng tulong sa mga awtoridad sa Taiwan ang pamilya ng biktima na ipinaabot ito  sa mga operatiba ng PNP-AKG.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga elemento ng PNP-AKG na nagresulta sa pag­kakaligtas sa biktima.

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with