Mister utas, 1 pa sugatan sa holdap
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Patay ang isang mister habang malubha namang nasugatan ang kanyang kasamahan matapos silang pagbabarilin ng dalawang holdaper sa loob ng isang tindahan sa Quezon City,  kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Noel Lampitao, 39, stay-in service crew sa Don C. Litson Manok na mata-tagpuan sa Luzon Ave., Brgy. Holy Spirit, QC.

Si Lampitao ay namatay noon din sanhi ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo, habang ang kasamahan niyang si Junie Gumanid, 18, ay ka­salukuyan namang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala ng baril sa pisngi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi, habang abala sa paglilitson ng manok ang mga biktima nang sumulpot ang dalawang lalaki na nagpanggap na kostumer na biglang pumasok sa tindahan at mabilis na nilimas ang P20,000 benta sa maghapon ng nasabing tindahan.

Bago sumakay sa kanilang get-away motorcycle ang dalawang kawatan ay pinagbabaril pa ng mga ito ang mga biktima.

Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam kung may CCTV sa lugar na pinangya­rihan ng krimen para sa pagkikilanlan ng mga nakatakas na holdaper.

HOLDUP MISTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with