MMDA employee dedo sa suntok ng kasamahan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Tuluyang  binawian ng buhay ang isang 57-anyos na empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang mabagok ang ulo sa pagbagsak nito sa semento matapos suntukin ng  kainuman sa Taguig City, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Alberto Delgado, residente ng  A. Reyes. St., Brgy.  New Lower Bicutan, Taguig City.

Idineklarang patay dakong alas-7:27 ng gabi nitong Linggo ang biktima na naisugod pa sa Taguig-Pateros District Hospital sanhi ng matinding pinsala sa ulo.

Arestado naman ang suspek na si Jazz Orena, 33, mechanical operator ng MMDA, at residente ng no. 92 Block 04 Extension, Barangay West Rembo, Makati City.

Sa imbestigasyon ng Taguig City Police, dakong alas-5:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Hagonoy Pumping Station ng MMDA, sa Barangay Hagonoy, Taguig.

Nag-iinuman ang biktima at suspek kung saan sa gitna ng huntahan ay nagkapikunan hanggang sapakin ng suspek sa mukha ang biktima.

Sa lakas ng pagkakasuntok ay bumagsak ito sa bangketa at nawalan ng malay.

Hindi na siya naisalba ng mga doktor at idineklarang patay alas-7:27 ng gabi.

Binitbit naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong homicide.

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with