Inisyal na nakilala ang isa sa nasawing biktima na si Gelian Nardea, walong taong gulang habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang narekober na bangkay kung ito ay ang nawawalang si alyas “Mikmik” o ang kapatid na si “JC”.
File
3 batang mag-uutol, nalitso
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

Nakasinding kandila, napabayaan

MANILA,Philippines — Pinaniniwalaang isang na­pabayaang nakasinding kandila ang mitsa ng isang sunog na kumitil sa buhay ng tatlong batang magkakapatid habang nasa malubhang kalagayan ang isa pa nilang kapatid naganap kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Inisyal na nakilala ang isa sa nasawing biktima na si Gelian Nardea, walong taong gulang habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang narekober na bangkay kung ito ay ang nawawalang si alyas “Mikmik” o ang kapatid na si “JC”. 

Nalagutan din ng hininga dakong alas-11:00 ng umaga habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Cen­ter ang 10-taong gulang na si Kian habang patuloy na ino­obserbahan ang isa pa nilang kapatid na si Rodolfo, 5-taong gulang.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Caloocan, alas-3:03 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga biktima sa Julian Felipe St. sa Brgy. 8, ng naturang lungsod. 

Agad na umakyat sa ikalawang alarma ang sunog na nirespondehan ng walong fire trucks buhat sa BFP at 25 vo­lunteer fire trucks. Alas-4:25 ng madaling araw nang magdeklara ang mga bumbero ng fire under control.

Nabatid na sumiklab ang apoy malapit sa bahagi ng bahay na tinutulugan ng mga paslit.

Sa imbestigasyon, na­ba­tid­­ na walang kuryente ang bahay at gumagamit lamang ang pamilya ng kandila na hi­­ni­hinalang napabayaang na­­kasindi dahilan upang su­miklab ang sunog.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with