Batay sa imbestigasyon, kabuwanan o siyam na buwang buntis si Ramie Bulagnir, kasambahay, sa nasabing unit, at nagtungo sa banyo upang dumumi subalit nagulat na lamang siya nang sa kanyang pag-iri ay sumama ang sanggol at bumagsak sa inidoro.
File
Sanggol swak sa inidoro, dedo
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

Sumama sa pag-iri ng inang dumudumi

MANILA,Philippines — Isang sanggol na nasa sinapupunan pa ng kanyang ina ang nasawi makaraang mahulog sa inidoro nang sumamang lumabas ito sa ari ng kanyang ina habang umiiri at dumudumi sa banyo naganap sa Brgy. Va­lencia, Quezon City, kamakalawa ng umaga.

Pinangalanan ang nasawing baby boy na Bulagnir.

Base sa naantalang report ni P/SSgt. Julius Cesar Balbuena, ng CIDU-QCPD, ang insidente ay naganap dakong alas-9:00 ng umaga kamakalawa sa Unit 23 One Castilla Place, Castilla St., Brgy. Valencia, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, kabuwanan o siyam na buwang buntis si Ramie Bulagnir, kasambahay, sa nasabing unit, at nagtungo sa banyo upang dumumi subalit nagulat na lamang siya nang sa kanyang pag-iri ay sumama ang sanggol at bumagsak sa inidoro.

Kahit nahihirapan ang kasambahay ay agad niyang kinuha ang kanyang anak at humanap ng gunting saka pinutol ang ‘umbi­lical cord’ subalit nang mapansing hindi umiiyak ang baby boy ay nilagay ito sa plastic bag saka itinago sa ilalim ng kama.

Nang makita ng kanyang kapwa kasambahay na si Maryann Balando si Balagnir na duguan ay agad itong humingi ng saklolo sa kanilang employer at mga opisyal ng barangay saka isinugod ang nanay ng sanggol sa San Juan Medical Center.

Pagkatapos na maisugod si Balagnir sa ospital ay nagbalik ang mga barangay tanod sa pinagtatrabahuhang unit ng kasambahay at doon ay natagpuan nila sa ilalim ng kama ang naka-plastik na sanggol.

Sa pag-asang buhay pa ang sanggol ay dinala agad ito ng Barangay Rescue team sa pamumuno ni Ex-Official Rosendo Velaso sa parehong ospital subalit idineklara itong patay na.

BABY SANGGOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with