Matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng pulisya ng isang plastic sachet ng shabu kina Esplanada at Bu­­racan sa halagang P500.
File
P1.4-M shabu nasabat,6 timbog sa Caloocan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Tumataginting na higit sa P1.4-milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad habang anim ang naaresto kabilang ang dalawang menor-de-edad kamakalawa sa Ca­loocan City.

Himas-rehas na ngayon sina Noe Esplanada; Jericho Buracan; Jamel Modi, alyas “Jam”, at sina alyas “Bibe”, 17; at alyas “Jana”, 16-anyos.

Sa ulat, alas-10:45 ng gabi nang ikasa ang operasyon sa Phase 7C Kaagapay Road sa Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng pulisya ng isang plastic sachet ng shabu kina Esplanada at Bu­­racan sa halagang P500.  Nang maisakatuparan ang bentahan, dito na sumulpot ang mga nakaantabay na mga pulis at inaresto ang da­lawang tulak habang inaresto rin sina Modi at dalawang me­nor-de-edad na bumibili rin ng droga.

Narekober buhat sa mga suspek ang pitong maliit na plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 10 gramo at may street value na P36,000; tatlong medium size na plastic sachet ng shabu na may timbang na 75 gramo at may halagang P1,350,000 at ang buy-bust money.

Samantala, nadakip naman ng naka-off duty na si P/EMSgt. Wilfredo Basilio ang drug suspek na si Mark Anthony Roque, alyas “Aplog”, 32-anyos, matapos isumbong ng isang pizza delivery boy na si Ville Doronio dahil sa nakitang nakasukbit na baril at kahina-hinalang kilos sa 3rd St., Gen. Luna sa Brgy. 11 dakong alas-3:00 ng hapon.

Nakuha sa suspek ang walong plastic sachet na nag­lalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang may ha­lagang P54,000; tatlong plastic sachet ng marijuana na may halagang P500; isang digital na timbangan at isang coin purse na may lamang P20,000 na hinihinalang drug money.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with