^

Metro

Misis todas sa sumpak ni mister

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Patay ang isang misis matapos aksidenteng mabaril ng kanyang mister nang magpambuno sa isang sumpak habang nasa kasagsagan ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. 177 Camarin, Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Dead-on-arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Maricar Salem, 32-anyos, isang factory worker; habang kusang-loob namang sumuko sa mga pulis ang mister niyang si Rey Andy Capuz, 35, isang cons­truction worker.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril sa loob ng bahay ng dalawa dakong alas-7:50 ng gabi. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Salem at Capuz sa hindi mabatid na dahilan hanggang sa kinuha ng lalaki ang kaniyang improvised shotgun o sumpak.

Nahawakan ng ginang ang baril hanggang sa mag-agawan sila. Sa kanilang pagbubuno ay nakalabit ni Capuz ang gatilyo ng baril at tinamaan ang biktima sa katawan.

Agad namang isinugod ni Capuz ang partner sa Bernardino Hospital bago inilipat sa Dr. Jose N. Rodriguez Me­morial Hospital kung saan idineklarang dead-on-arrival dakong alas-9:14 ng gabi.

Nakaditine ngayon ang suspek sa PCP 5 Detention Center at nahaharap sa kasong Homicide sa Caloocan Prosecutor’s Office habang isinuko rin niya ang sumpak na gamit sa krimen.

vuukle comment

MISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with