Spa sa Quezon City, ipinasara ni Mayor Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

‘Front’ ng sex den

MANILA, Philippines — Magkasamang isinara nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at QCPD chief Col. Ronnie Montejo ang isang spa na ginagawang sex den sa E. Rodriguez sa lungsod.

Ayon kay Mayor Belmonte ang  ipinasara ay ang Dragon Spa na may tatlong palapag dahil sa paglabag sa RA 10364 o Expanded Human Trafficking in relation to RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at paglabng sa SP-91 Series 1993 o QC Revenue Code dahil sa hindi pagkuha ng business permit mula 2017.

Sinabi ni Belmonte na ang operasyon ng natu­rang spa ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng Facebook account na nagpapakita ng larawan ng mga babae na nagnanais ng extra service at may nakalagay sa account ng halaga ng serbisyo mula P500 hanggang P1,000.

Apat na babae ang na-rescue sa naturang spa habang dinala rin ang nadatnang kahera at isang kostumer.

Ang operasyon anya ng spa ay sa FB page ang booking ng mga babae at ang parukyano ay saka na lamang magbabayad sa cashier ng spa pagnais ng extra service.

Inutos na ni Belmonte kay QC Business Permit and Licensing Office Chief Margie Santos na busisiin ang may 100 online spa sa lungsod upang maparusahan kapag may mga paglabag na isinasagawa.

Ayon kay Montejo, nagkalat ang mga condoms sa mga kuwarto ng naturang spa kung saan napatunayan ang ilegal na operasyon nang magkunwaring kostumer  ang isa niyang tauhan.

Ayon kay Belmonte, bukod sa mananagot sa batas ang may ari ng spa, isasama din nilang kasuhan ang may ari ng gusali na ginagamit na sex den ang kanyang establisimiento.

Ayon kay Montejo, nai­pasara na noong nagdaang linggo ng NBI ang naturang spa pero nagbalik ulit sa illegal operation kayat ipinasara na nila ni  Mayor Belmonte.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with