^

Metro

Tauhan ng MTPB, utas sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 32-anyos na tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang pagbabarilin ng  riding in tandem sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktimang si Marlon Lacsina, nakatalaga bilang parking attendant sa CM Recto Avenue, sa Binondo, Maynila.

Inaalam pa kung sino at saan nagmula ang natanggap na death threats ng biktima na posibleng maging daan para maki­lala ang mga salarin na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni P/Staff Master Sergeant  Boy Nino Baladjay kay P/Captain Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas -12:30 ng madaling araw, sa panulukan ng CM Recto Avenue at Elcano St., Binondo.

Ayon sa kasamahang parking attendant ng biktima, kababa pa lang nila sa motorsiklo nang isang di kilalang lalaki ang lumapit at walang sabi-sabing pinaputukan ng magkakasunod ang biktima.

Nagtamo ng mga bala sa baba at  sa itaas na bahagi ng dibdib ang biktima na bumagsak sa kalye habang ang gunman ay sumakay sa naghihintay na motorsiklong minamaneho ng isa pang suspek na humarurot sa direksiyon ng Elcano St.

Sa imbestigasyon, may mga natanggap na banta sa buhay ang biktima simula nang itinalaga  na team leader ng MTPB sa erya ng CM Recto, Binondo.

Kinainggitan umano  ang biktima sa naging bagong desig­nation nito. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

MTPB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with