Ilan pang baboy sa Brgy. Matandang Balara, sinusuri na rin sa ASF
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim na rin sa pagsusuri ng mga eksperto ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga alagaing baboy sa Brgy. Matandang Balara sa Quezon City.

Ito ang ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte dahil sa posibleng pagkakaroon na rin ng African Swine Fever  (ASF) sa mga alagang baboy sa  naturang barangay.

Idinagdag pa ni mayor na kumuha na ng blood samples ang BAI sa mga alagaing baboy sa nasabing barangay  para alamin kung infected na rin ang mga ito ng ASF.

Gayunman, sinabi ni Belmonte na ASF free na ang mga Brgy. Tatalon, Pasong Tamo, Tandang Sora at Bagong Silangan at inaasahan na ma-cleared na rin ang Brgy. Commonwealth dahil sa kakaunti na lamang sa mga baboy doon ang naiulat na maysakit.

Patuloy anya ang pag-culling sa Barangay Payatas dahil ang paglilibingan ng mga patay na baboy ay unang tinitingnan. May 2,000 pang mga baboy ang takdang isailalim sa culling ng City veterinary office.

“Kung saan isinagawa ang culling ay doon na rin gagawin ang paglibing sa mga baboy upang hindi na mahawa pa ang ibang lugar sa ASF,” pahayag ni Belmonte.

ASF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with