Pagwawala ng Iranian sa arrival area ng NAIA, pinabubusisi ni Monreal
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni MIAA general manager Ed Monreal sa kanyang intel group kung paano nakapasok sa arrival restricted area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, ang isang Iranian national na nagwala sa loob ng airport dahil pilit nitong pinalalabas sa immigration area ang kanyang dumating na Iranian girlfriend, kamakalawa.

Ayon kay Monreal, pinigilan at agad ibinukod ng immigration agents ang isang Zare Bahari Bahareh, 31, Iranian national nang dumating ito sa NAIA T3 sakay ng Cebu Pacific Airlines galing Dubai, dahil may hit o naka-red flag ito sa International Police (Interpol) data base.

Sinabi ni Monreal, habang ginagawan ng exclusion order ng immigration ang babae ay biglang lumapit ang isang Minbashi Moeini Morteza, nanggulo ito matapos makapasok sa arrival restricted area.

“Kinuha muna ni Morteza ang bagahe noong babae sa customs arrival at pagkatapos pumunta sa immigration area at nanggulo doon,”sabi ni Monreal.

Dahil sa pangyayari ay nagdatingan ang mga Airport police at binitbit si Morteza.

Sabi ni Monreal, na nagtataka siya kung paano nakapasok sa arrival area si Morteza ng walang access pass kaya ito ay pinaiimbestigahan niya.

Si Morteza ay sasampahan ng kaukulang kaso sa Pasay City Prosecutors Office samantala si Bahareh ay ipapa-deport ng immigration sa port of origin nito. 

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with