Pinangunahan nina Sen. Bong Go at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pormal na pag­bubukas ng kauna-unahang Malasakit Center sa lungsod na natayo sa Novaliches District Hospital sa Brgy. San Bartolome.
Kuha ni Boy Santos
Malasakit Center sa Quezon City, binuksan
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines –  Pormal nang binuk­san kahapon nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Sen. Bong go ang kauna-unahang QC government run Malasakit Center na matatagpuan sa Novaliches District Hospital sa Novaliches Quezon City. Ang bagong cen­ter ay ika-46 Malasakit Center  sa buong bansa at pang 21 naman sa buong  Luzon.

Ayon kay Mayor Belmonte, ang  Malasakit Center ay isang one-stop shop na ang isang may sakit ay hindi na tutungo sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan para humingi ng ayuda dahil nasa center na ang mga help desk ng Philhealth, PCSO, PAGCOR, DOH, at DSWD.

Anya sa center ay agarang mabibigyan ng ayuda sa pagpapagamot ang mga mahihirap na taga-Novaliches  na kadalasa’y ipinapasa-Diyos na lamang ang karamdaman dahil walang pambayad sa ospital.

“Malaking tulong ito dahil ang Novaliches ay kabilang sa may pinakamaraming mahihirap na pasyente na nagpapagamot sa Novaliches District Hospital,,”dagdag pa ni Belmonte.

Kaugnay nito, personal namang iniabot ni Sen. Go at Presidential Asst. for Visayas Mike Lloyd Dino, ang P5 milyon tseke  para sa operasyon ng Malasakit center

Sinabi ni Senador Go. na ang P5 milyon ay inilalaan ng office of the President sa Malasakit Center sa QC sa bawat buwan sa ilalim ng isang memorandum of agreement. Kailangan anyang ma-liquidate ang pondo upang mabigyan ulit ng pondo sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni Senador Go na mahal niya ang QC dahil siya ay nakatira sa Teachers Village sa lungsod. Sinabi naman ni Mayor Belmonte na ang Malasakit Center ay matagal nang pangako ni Senador Go noong hindi pa ito senador at siya naman ay bise alkalde pa. 

Makaraan nito ay pinangunahan naman ni Go ang boodle fight sa mga pamilya ng mga nasunugan sa Brgy. Gulod, Quezon. City at namigay doon ng financial assistance.

 

MALASAKIT CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with