Nabatid mula kay Bureau of Corrections spokesperson Major Albert Tapiru na napasok na rin ng clearing team ang Quadrant 2 sa South at Quadrant 3 sa Northern part ng Bilibid.
File
‘Clearing ops’ sa Bilibid, pumalo nang isang linggo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pumalo na sa isang linggo ang tuluy-tuloy na ‘clearing operations’ na isinasagawa ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Nabatid mula kay Bureau of Corrections spokesperson Major Albert Tapiru na napasok na rin ng clearing team ang Quadrant 2 sa South at Quadrant 3 sa Northern part ng Bilibid.

Kahapon ay personal na ininspek­syon ni Police Colonel Juan Anonuevo, Deputy District Director for Operation ng Southern Police District (SPD) ang mga personnel ng SPD na itinalaga sa loob ng BuCor. 

Nananatiling nakataas ang red alert sa loob ng Bilibid dahil sa patuloy na paggiba sa mga kubol ng mga mayayamang bilanggo at mula ng maganap ang pagsabog kamakailan. 

Inaasahan naman na mapapabilis ang ‘clearing operations’ makaraang magkusa na umano ang ilang mga bilanggo na gibain ang mga kubol sa kanilang teritoryo.  Maaari umanong matapos na ang operasyon sa susunod na linggo, ayon kay Tapiru.

Inumpisahan ang ‘clearing ope­rations’ noong Oktubre 11 sa utos ni bagong BuCor Director General Gerald Bantag na hudyat ng pagdisiplina sa mga bilanggo at pagbalik sa kontrol sa naturang bilangguan.

 

BILIBID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with