Preliminary investigation sa Yuson slay, hiling ilipat sa DOJ
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nais ng biyuda ni Ba­tuan Vice Mayor Charlie Yuson III na mailipat sa Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation laban sa mga suspek sa naganap na pamamaslang sa kanyang mister noong Oktubre 9, sa Sampaloc, Maynila.

Sa ginanap na press conference, iginiit ni Atty.Edward Marcaida, legal counsel ng pamilya Yuson na mas gusto nila na DOJ main office  ang humawak ng kaso at hindi si Manila City Assistant Prosecutor Jovencio Senados.

Pinag-aaralan din ng kampo ni Yuson na  kasuhan si  Senados dahil sa naging rekomendasyon nito na palayain sa pamamagitan ng ‘release for further investigation’ ang mga dinakip na suspect nang isailalim sa inquest proceedings kamakailan.

Kasabay nito, nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte si Gng. Lalaine Yuson na matulungan sila sa  kaso para lumabas ang katotohanan.

Binigyang-diin ni Gng. Yuson na walang ilegal na aktibidad ang kanyang mister tulad ng pinalulutang ng ibang tao na sangkot ito sa gunrunning at illegal drug activities.

CHARLIE YUSON III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with