Shabu sa P20 bill, huli
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Modus na ‘palusot’, ‘di nakalusot

MANILA, Philippines – Kalaboso  ang isang lalaking dumalaw lamang sa kaibigan nang mahulihan ng shabu na tinangkang ipuslit sa pamamagitan ng P20 habang iniaabot sa inmate ng Manila Police District-Station 4, sa  Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Isinailalim sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa section 11 ng Republic Act 9165 o possession of illegal drugs ang suspek na si Crisfford Amosco, 22, ng Algeciras St. Sampaloc, Maynila

Sa ulat, alas- 5:00 ng hapon nitong Huwebes nang mabuking ni P/Patrolwoman Bernadeth Mapue ang iniaabot na pera sa nakapiit na si Rolan Garcia.

Nakabilot umano ang bente pesos at nakapalaman doon ang shabu na natuklasan .

Tinatayang nasa P1,500. ang halaga ng nasabing ilegal na droga.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with