Ayon sa Task Force POGO ng BIR at ng Dept. of Finance, isa sa ipinasara ang head office ng Altech Innovations Business Outsourcing sa Aseana City, Parañaque at branch nito sa Double Dragon Building sa Pasay City.
AFP/File
2 POGO office, pinadlock ng BIR
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ipinadlock ng Bureau of Internal Reve­nue (BIR) ang mga tanggapan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil sa hindi pagre­rehistro at hindi pagpa-file ng value-added tax (VAT) returns sa ahensiya.

Ayon sa Task Force POGO ng BIR at ng Dept. of Finance, isa sa ipinasara ang head office ng Altech Innovations Business Outsourcing sa Aseana City, Parañaque at branch nito sa Double Dragon Building sa Pasay City.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Group Arnel Guballa, may P100 milyon ang utang sa buwis ng Altech Innovations.

Anya ang naturang kompanya ay  lumabag sa  Section 108 at Section 236 ng National Internal Revenue Code of 1997 dahil sa hindi pagrerehistro at hindi pagbabayad ng VAT returns sa ahensiya.

Ang Altech Innovations ay pagmama­­y-ari ng isang  Jan Erick Lavariaz Altavas at mayroong 700  hanggang 1,000  empleyado na karamihan ay Chinese.

POGO OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with