^

Metro

Seguridad sa MRT-3, mas pinatindi

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdagdag na ng mga security guard sa mga istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) upang magbigay ng seguridad at matiyak na ligtas ang biyahe ng may 300,000 pasahero ng kanilang mga tren araw-araw.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations, Engineer Michael Capati, mula sa dating 580 lamang ay mayroon na sila ngayong 750 na security guards sa ilalim ng bago nilang kontrata.

“Yung ating bagong security contract ngayon, dati nasa 580 security guards lang kami, nag-increase kami ngayon to 750 guards,” ani Capati.

Bukod naman aniya sa mga dagdag na guwardiya ay naglagay pa sila ng karagdagang CCTV cameras, bilang bahagi ng kontrata ng train system sa kanilang service provider.

Tinaasan din aniya nila ang mga bakod sa mga key areas para tiyaking ligtas ang mga ito at hindi basta-basta mapapasok.

Ginawa ni Capati ang pahayag matapos na isang lalaking palaboy ang umakyat sa bakod ng MRT-3 at tu­malon sa riles, na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nakita naman aniya ito kaagad ng kanilang mga guwardiya ngunit nang sisitahin na ay bigla na itong tumalon.

Ang MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula sa North Avenue, Que­zon City patungo ng Taft Ave. Pasay City at vice versa.

 

vuukle comment

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with