Yulo, Obiena kinilala ng City of Manila: Binigyan ng tig-P.5 milyon
MANILA, Philippines – Dahil sa ipinakitang galing sa gymnast at pole vaulter, kapwa binigyan ng tig- 500,000 ng City of Manila sina Carlos Yulo at Ernest John “EJ” Obiena, kahapon ng hapon.
Sa pamamagitan ng City Council Resolution iginawad ni Manila Mayor Isko Moreno kina Yulo at Obiena ang certification at cash na makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang galing sa paligsahan.
Sinabi ni Moreno na kapwa Manilenyo ang dalawa na tunay na nagbigay ng karangalan hindi lamang sa lungsod kundi pati sa Pilipinas.
Pinagtibay naman ito ng konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Dr. Honey Lacuna-Pangan kung saan nagpasa ng resolution “conferring the highest honors” kay Yulo dahil sa kauna unahang Filipino world champion sa gymnastics habang nagpaabot din ng pagbati sa haling sa pole vaulting ang konseho kay Obiena.
Si Yulo ay tubong Leveriza, Malate habang si Obiena ay tubong Tondo.
Ayon kina Yulo at Obiena hindi sila naghangad na makakuha ng ginto. Sapat na sa kanila na magawa nang maayos ang kanilang trabaho.
- Latest