Hindi pinangalanan ni Belmonte ang kinasuhan pero ito anya ay paglabag sa Food Safety Act at sa Sanitation Code of the Philippines.
Kuha ni Boy Santos
Nagpuslit ng baboy sa ASF infected area, kinasuhan na - Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kinasuhan na ng pamahalaang lungsod ng Que­zon ang hog raiser sa Brgy.  Payatas na nagpuslit ng alagang baboy na hinihinalang may African Swine Fever (ASF)  at kinatay para ibenta sa Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Ito ang sinabi ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte nang iulat sa kanya ng QC Veterinary Department na nagsagawa ng raid sa isang bahay sa Bahay Toro makaraang makatanggap ng sumbong na may kinatay na baboy sa lugar na mula sa Payatas.

Hindi pinangalanan ni Belmonte ang kinasuhan pero ito anya ay paglabag sa Food Safety Act at sa Sanitation Code of the Philippines.

“Kinasuhan na po namin ang isang tao na nahuli na nagtakas ng kanyang baboy na alam naming infected at dinala sa isang barangay sa unang distrito, Brgy. Bahay Toro, para ibenta,”pahayag ni  Belmonte. 

Patuloy naman ang pagpapatupad ng QC 1-7-10 protocol ng Bureau of Animal Industry upang maiwasang kumalat pa sa ibang lugar ang sakit sa mga alagaing hayop.

Sa ilalim ng protocol, may mga naitalagang  quarantine checkpoints sa may 1-kilo­meter radius mula sa babu­yan  at nagsasagawa naman ng surveillance at pag­lilipat ng mga baboy sa loob ng 7-kilo­meter radius mula sa infected areas at ang mga nasa loob ng 10-kilometer radius ay kailangang iulat ang anumang napapansing kakaiba sa mga alagaing baboy.

Sinabi ni Belmonte na sa ngayon ay cleared na sa ASF ang Brgys. Tatalon, Tandang Sora at Pasong Tamo at inaasahang ma-cleared na rin ang Barangay Bagong Silangan sa ASF. Patuloy naman anya ang ginagawang kampanya ng lolal na pamahalaan bago tuluyang ma-clear sa ASF ang Payatas.

Hanggang noong Oktubre 7, may kabuuang 3,065 baboy na ang napatay sa Payatas at may mahigit 2,000 pa ang inaasahang papatayin sa pamamagitan ng culling sa mga susunod na araw.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with