^

Metro

7 preso sunud-sunod na namatay sa Bilibid

Ghio Ong - Pilipino Star Ngayon
7 preso sunud-sunod na namatay sa Bilibid
Tatlo sa pitong mga nasawing bilanggo ay may edad 70 hanggang 80 taong gulang.
File

MANILA, Philippines — Pitong bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) ang iniulat na nasawi  dahil umano sa kakulangan ng medical attention kaalinsabay sa isinasagawang demolisyon sa mga illegal structures o kubol sa loob ng piitan.

Tatlo sa pitong mga nasawing bilanggo ay may edad 70 hanggang 80 taong gulang.

Ang bilanggong si Joselito Roxas ay nasawi noong nakalipas na Oktubre 9, dakong alas-9:55 ng umaga kasabay sa paggiba sa mga ilegal na istraktura o kubol sa loob ng maximum security compound ng Bilibid.

Nasundan ito ng tatlo pang inmates na nasawi  noong Oktubre 12 na kinilalang sina Ricardo Santos, 70; Nicomedes Canon, 82 at Fernando Raynon.

Noong Oktubre 13 nasawi rin ang 51-anyos na si Nilo Rawa Bacay.

Bagamat kinumpirma ni Major Alberto Tapiru, BuCor spokesman ang pagkasawi ng pitong bilanggo wala naman umano itong kinalaman sa isinasagawang demolition laban sa illegal strucktures sa loob ng NBP.

“Dati na silang na-confine  sa ospital at walang report na namatay sila sa ‘lack of medical attention’.

Magugunitang sinimulan noong nakaraang linggo ang paggiba sa mga kubol sa Bilibid kung saan nakasamsam ng bulto ng droga, mga armas, iba pang prohibited items, cash at mga home appliances.

Sa loob din umano ng mga kubol na ito isinasagawa ng mga bilanggo ang kanilang mga ilegal na transaksyon.

Oktubre 11 habang ipinagpapatuloy ang ­clearing ops sa loob isang malakas na pagsabog ang naganap.

Nalagay sa kontrobersiya ang NBP matapos na mabunyag ang iba’t ibang anomalya partikular ang may kinalaman sa good conduct time allowance (GCTA).

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with