Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pag-arangkada ng polio vaccination sa lungsod sa ilalim ng kampanya ng DOH na “Sabayang Patak Kontra Polio’ kahapon.
Kuha ni Michael Varcas)
Polio mass immunization, sinimulan na sa Quezon City
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang sinimulan kahapon ng Quezon City government ang pagsasagawa ng polio mass immunization kaugnay sa pagsuporta sa  pagdiriwang ng polio day sa ating bansa.

Kahapon, libong mga paslit mula sa Brgys. Batasan Hills, Bagong Silangan, Payatas, Commonwealth at Holy Spirit ang unang nabigyan ng polio vaccine ng mga opisyales ng QC kasama ang Department of Health –National Capital Region at Rotary International District 3780.

Ayon kay Dra. Corazon Flores, head ng DOH-NCR, may 67,000 paslit sa  bawat barangay ang target na bigyan ng polio vaccine o may kabuuang 271,000 paslit sa buong Quezon City.

Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang pag-iikot sa ibat-ibang lugar para sa mass vaccine.

POLIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with