Nakilala ang biktima na si Alma Jaca, 40, residente ng Dahlia Street, Brgy. Tanza 2, ng naturang lungsod. Nadakip naman ng mga pulis ang suspek na si Pio Jaca, 48.
File
Misis kritikal sa saksak ng mister
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2019 - 12:00am

Tumanggi sa sex

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang ginang makaraang paulit-ulit na saksakin ng kanyang lasing na mister na nagalit nang tumanggi ang una na makipagtalik, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakilala ang biktima na si Alma Jaca, 40, residente ng Dahlia Street, Brgy. Tanza 2, ng naturang lungsod.  Nadakip naman ng mga pulis ang suspek na si Pio Jaca, 48.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawang Jaca.  Umuwi sa naturang oras ang suspek na langong-lango sa alak at kumalabit sa natutulog na misis para makipagtalik.

Dahil sa antok ay tumanggi ang ginang. Lumabas ng kanilang kuwarto ang lalaki at may dala nang patalim nang bumalik.  Dito paulit-ulit na pinagsasaksak ng suspek ang misis na nagsisigaw ng saklolo.

Nagising naman ang kapatid na babae ng biktima na humi­ngi ng saklolo sa mga kapitbahay para isugod sa pagamutan ang biktima.  Agad din silang humingi ng saklolo sa Police Community Precinct 1 dahilan para madakip ang suspek.

Nakaditine ngayon sa Navotas City Police Station Detention Center ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Frustrated Homicide at paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women.

 

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with