^

Metro

Nagtanong na, nambintang pa dinedo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 29-anyos na helper nang mapikon sa kanya ang pinagtatanungang lalaki sa bintang na itinatago nito ang kanyang live-in partner  sa Gate 46, Parola, Compound, Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si  Journey Gomez, residente ng Delpan St., Tondo, Maynila  na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at likurang bahagi ng katawan.

 Isang Lexter Bitito naman ang itinuturong salarin na agad tumakas matapos ang pamamaril.

 Sa ulat ni P/Corporal Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa Gate 46, Parola Compound, dakong alas- 3:00 ng hapon nitong Linggo.

Hinahanap umano ng biktima ang kanyang kinakasama na si Raquel Almedilia, 46, at nakita niya ang suspek sa Gate 46 kaya tinanong dahil sa dudang ito ang nagtatago sa babae.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pagtatanong hanggang sa barilin ng suspek ang biktima

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with