Sa ulat ng pulisya, alas-7:45 kamakalawa ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct 7 ang mga suspek na sina Jaymar Arce, Alyar Avenilla at Michael Elacion sa may Big Banana St., sa Brgy. 162 Sta. Quiteria, ng naturang lungsod.
File
6 drug suspects timbog sa Caloocan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng anim na sinasabing sangkot sa bentahan at paggamit ng ilegal na droga matapos masakote ng Caloocan City Police sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:45 kamakalawa ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct 7 ang mga suspek na sina Jaymar Arce, Alyar Avenilla at Michael Elacion sa may Big Banana St., sa Brgy. 162 Sta. Quiteria, ng naturang lungsod.

Nabatid na humingi ng tulong sa pulisya ang Ex-O ng barangay sa na-monitor nilang transaksyon sa ilegal na droga.  Dito inabutan ng mga pulis sa naturang lugar ang tatlong suspek at nakum­piska sa kanila ang dalawang plastic sachet ng shabu at paraphernalia.

Dakong alas-9:30 ng gabi nang maaresto naman sa buy-bust operation ng PCP 6 sa may P. Gomez St. sa Brgy. 154 ang mga suspek na sina John Carlo Yturralde at Jan Hazel Soriano.  Nakumpiska kay Yturralde ang dalawang plastic sachet ng shabu kasama ang isa na ibinenta sa poseur buyer habang isang plastic sachet ng shabu naman ang nakuha kay Soriano.

Huling nadakip dakong ala-1:10 kahapon ng madaling araw sa may Tandang Sora Extension sa Brgy. 163 ang suspek na si Bryan Paul Tan, 23, makaraang magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang tauhan ng PCP 7.

Nakaditine ang mga suspek sa Caloocan City Police Station-Detention Cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with