Dalaga namatayan na ng ina, pinagnakawan pa
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Hindi pinatawad ng tatlong kawatan ang bahay at tindahan ng isang babae na nagluluksa dahil sa pagpanaw ng ina makaraan pagnakawan at tangayin ang mga pera, alahas maging mga baryang panukli, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Hindi naman nakalusot sa kamay ng mga otoridad sa isinagawang follow-up operation ang mga suspek na sina Michael Torio, 30; Jerome Torio, 23 at Bhads Allpulo, 27, pawang mga nakatira sa Governor Pascual Avenue, Brgy. Tinajeros, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang pagnanakaw dakong alas-7:30 ng umaga sa loob ng bahay at tindahan ng biktimang si Marylane Gerer­cas, 31, dalaga, pharmacy assistant, at nakatira sa No. 45 Governor Pascual Ave, sa naturang barangay.

Nabatid na iniwang nakasarado ng biktima ang kanyang tindahan sa tapat ng kanyang bahay para sa burol ng kanyang namayapang ina. Nang kanyang balikan ito, nakita niyang sira ang kandado ng pinto ng bahay at nawawala na ang kanyang cellular phone, pera na nagkakahalaga ng P47,000; mga barya na panukli sa tindahan na aabot umano sa P50,000; at dalawang gintong kuwintas na may kabuuang halaga na P160,500.

Isa namang saksi na kapitbahay ng biktima na si Rowena Jovellanos ang nagturo sa mga suspek na siyang pumasok sa kanyang bahay dakong alas-8:00 ng gabi kung kaya’t agad namang nakahingi ng tulong si Gerercas sa Malabon City Police na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo sa ikinasang operasyon.

DALAGA NAKAW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with