Sa pagtataya ng mga oil industry experts, nasa P.20 hanggang P.30 sentimos kada litro ang maaaring itaas ng gasolina habang posibleng walang paggalaw o bumaba ng katiting na P.10 sentimos kada litro sa diesel.
File
Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Magpapatupad ng dag­dag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong darating na linggo kung saan madadagdagan ang presyo ng gasolina at mababawasan naman sa diesel na ibinase sa takbo ng kalakalan sa internasyunal na merkado.

 Sa pagtataya ng mga oil industry experts, nasa P.20 hanggang P.30 sentimos kada litro ang maaaring itaas ng gasolina habang posibleng walang paggalaw o bumaba ng katiting na P.10 sentimos kada litro sa diesel.

Tinataya naman na mababawasan ang presyo ng kerosene ng P.35 hanggang P.45 kada litro ngayong papasok na linggo.

Sa kasalukuyan ay wala pang kompanya ng langis ang nagsagawa na ng price adjustments ngunit inaasahan na karamihan sa kanila ay magpapatupad sa dara­ting na Martes ng umaga.

Ayon sa mga taga-industriya ng langis, ang dahilan ng pagtaas ng presyo sa gasolina ay bahagyang pagliit ng suplay sa Asya kasunod ng maintenance shutdown ng maraming oil refineries. Nabawasan din umano ang imbentaryo ng gasolina ng Estados Unidos kaya umakyat ang presyo sa internasyunal na merkado.

Sa datos buhat sa Department of Energy (DOE), naglalaro ngayon ang pres­yo ng gasolina mula P44.25 hanggang P56.19 kada litro habang ang diesel ay mula P39 hanggang P44.08 kada litro.

PETROLYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with