Ang nasakoteng opisyal ng barangay ay si Barangay 438, Zone 44 kagawad ­Marius Alquiros, na isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
File
Kagawad tiklo sa shabu
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Swak sa selda ang isang kagawad ng barangay sa Sampaloc, Maynila matapos masakote ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng umaga.

Ang nasakoteng opisyal ng barangay ay si Barangay 438, Zone 44 kagawad ­Marius Alquiros, na isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act  9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nitong Sabado nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa Marzan St., pagitan ng Firmeza at Honradez Sts., Sampaloc.

Nang makabili ng P200 halaga ng shabu si  P/ Patrolman Ace Jingson Cortez  ay agad na inaresto ang suspek.

Bukod sa nabiling ilegal na droga, nakarekober pa ang mga otorida ng 3 sachet ng shabu na may halagang P600 mula sa suspek at nakuha rin mula sa kanya ang marked money na ginamit sa buy-bust.

KAGAWAD SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with