^

Metro

‘No weekdays sale’ sa mga mall, ipakikiusap ng MMDA

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�No weekdays sale� sa mga mall, ipakikiusap ng MMDA
Sa Balitaan sa Tinapa­yan, sinabi ni Bong Nebrija, EDSA traffic czar at head ng operations ng MMDA, na ito’y dahil sa inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa Metro Manila para sa Christmas rush.
File

MANILA,Philippines — Makikipagpulong ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng may-ari ng mall sa Metro Manila upang pakiusapan na huwag na munang magsagawa ng ‘weekdays sale’ bilang paghahanda sa nalalapit na holiday season.

Sa Balitaan sa Tinapa­yan, sinabi ni Bong Nebrija, EDSA traffic czar at head ng operations ng MMDA, na ito’y dahil sa  inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa Metro Manila para sa Christmas rush.

Kung noon aniya ay sa mga mall owner lamang sa EDSA sila nakikipag-usap ngayon aniya ay sa lahat na ng mall sa 16 na lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region.

Ang Metro Manila ay binubuo ng 16 na lungsod at isang bayan, kabilang dito ang  Manila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, and Valenzuela, at ang bayan ng Pateros.

Aalamin aniya kung may asosasyon ang mga mall at kanilang hihikayatin na huwag nang magdaos ng sale tuwing weekdays at kung pupuwedeng i-adjust ang mall hours.

Malaking tulong aniya ito sa traffic decongestion sa panahon ng Kapaskuhan.

Nagawa na nila aniya ito noong 2016 at malaki ang naitulong  kahit nagkaroon din ng bahagyang pagdami ng sasakyan sa Metro Manila.

Sinabi rin ni Nebrija na monitoring pa rin ang MMDA sa sitwasyon ng trapik sa Maynila na aniya ay okay naman dahil nakatulong din ang patuloy na pagsasagawa ng clearing operations.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with