Clearing ops sa Bilibid, walang urungan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi magpapatakot ang Bureau of Corrections (BuCor) at ang National Capital Regio­nal Police Office (NCRPO) sa mga preso na may kagagawan sa pagsabog nitong Biyernes dahil sa ipagpapatuloy nila ang ginagawang “clearing operations” sa mga kubol at iba pang ilegal na istruktura na itinayo sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prisons.

Kapwa sinabi nina NBP spokesman Major Albert Tapiru at NCRPO Director P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar na ipagpapatuloy nila at tatapusin ang ‘clearing operations’ na inumpisahan nila nitong nakaraang Miyerkules (Oktubre 9) katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Public

Works and Highways (DPWH), Bureau of Fire Protection, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Iginiit ni Tapiru na hindi sila patatakot sa mga nasa likod ng pagpapasabog na maaaring nais silang sindakin para hindi ituloy ang pagbuwag sa mga kubol ng mga mayayamang bilanggo.

Ayon naman kay Eleazar na wala pang 1/4 ang nadadaanan ng kanilang clea­ring operations team sa Bilibid na may kabuuang lupain na 551 ektarya.

Sinabi ng heneral na tinutulungan nila ang BuCor at si Director General Gerald Bantag sa “clearing operations” dahil sa makatutulong ito sa pagsugpo sa pagkalat ng ilegal na droga dahil sa mga kubol karaniwang nagaganap ang mga transaksyon ng mga drug lords.

Ikinagulat din ni Eleazar ang tila malayang bentahan ng pagkain o pagkakaroon ng “grocery store” sa Bilibid na kumpleto pa sa freezer at oven.  Hindi na umano siya nagtataka kung paano naipapasok ang mga armas, granada at ilegal na droga dahil maging ang  billiards table ay naipapasok sa loob ng maximum compound.

 

CLEARING OPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with