Industriya ng tahong, talaba sa Parañaque, lugmok
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lugmok ngayon ang industriya ng magtatahong at magtatalaba sa Parañaque City makaraang madamay din ang mga tahong at talaba sa pinsala na dulot ng fish kill sa lungsod at sa karating na Las Piñas City.

Sinabi ni Nilo Germedia, officer-in-charge ng Parañaque City Agricultural Office, na nalusaw ang mga laman ng mga tahong at talaba sa hindi mabatid na dahilan.

Sa kanilang pagbisita kasama ang mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), natuklasan nila na lugi ang mga tahungan sa lungsod maging ang mga magtatalaba ay walang ani.

“Napakarami po. Halos buong tahongan ng Parañaque ay apektado, maging ang ating talabahan,” ayon kay Germedia.
Dahil dito, umaaray na ang mga negosyante na nagpapahango ng mga tahong at talaba sa pinsala na dulot ng fish kill ma­ging ang mga pumapakyaw nito para ibenta sa mga palengke.

Samantala, inilabas na ng BFAR ang resulta ng pagsusuri nila sa tubig at mga patay na isda na nakuha sa karagatan.  Natukoy na ang mababang lebel ng oxygen sa tubig at presensya ng “Ammonia” ang posibleng dahilan ng fishkill.

“The water quality test conducted in three sampling areas by BFAR’s National Fisheries Laboratory Division and BFAR (Region) 4A shows poor levels of dissolved oxygen and higher levels of Ammonia and Phosphates than the standard level,” ayon sa pahayag ng ahensya.

Malayo ito sa mga haka-haka na pagpapasabog ng dinamita ng mga mangingisda ang dahilan ng fish kill dahil sa lasug-lasog umano ang laman ng mga isda na lumutang sa tubig.

FISHING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with