Mag-asawang ‘partner in crime’, kalaboso
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa kalaboso ang isang mag-asawa makaraang mahuli ng mga pulis ang mister na nagbebenta ng ilegal na baril habang tinangkang patakasin siya ng kanyang misis, kama­kalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakilala ang mag-asawa na sina Michael Cardenas, 34, isang data installer at si Jonalyn Cardenas, 34, online seller at kapwa nakatira sa Brgy. Bangkulasi, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nagkasa ang Northern Police District-Special Operations Unit ng buy-bust operation para masukol si Cardenas makaraan ang kumpirmadong ulat na nagbebenta ito ng mga baril.  Ikinasa ang operasyon dakong alas-11:40 ng gabi sa Reyes Street sa naturang barangay.

Habang nasa gitna ng transaksyon para sa pagbili ng isang kalibre .38 baril, nakahalata umano si Michael na pulis ang kanyang kaharap kaya agad siyang pumasok sa loob ng kanyang bahay.  Sinundan siya ng mga pulis at naabutan sa pinto ng kanyang bahay ngunit pumagitna si Jonalyn at sinigawan ang mister ng, “Michael tumakbo ka na!”

Dito na ipinatupad ng mga pulis ang pag-aresto maging kay Jonalyn habang tuluyang naposasan si Michael. Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .38 baril at dalawang plastic sachet ng shabu na may street value na P15,000.
 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with