Kelot humabol sa sasakyang bus, nagulungan, patay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa hirap sa paghanap ng masasakyan, nasawi ang isang lalaking commuter makaraang humabol sa isang umaandar na pampasaherong bus at sumabit ngunit nalaglag dahilan para magulungan siya at masawi, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Alvin Eric Aniag, 43-anyos, residente ng Zodiac Street, Rema­ville Subdivision, Brgy. Bagbag, Quezon City. Naki­lala naman ng pulisya ang suspek na si David Jimena, 44, tsuper ng Transport Service Bus (TYU 313). 

Nabatid na tumakas ang naturang driver at iniwan ang kanyang bus na nagresulta ng mas mabigat na trapiko sa lugar.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa kanto ng EDSA at Harvard Street sa may Brgy. Guadalupe Nuevo sa naturang lungsod.

Ayon sa mga nakasaksi, naghihintay ng masasakyang bus ang biktima sa EDSA. 

Hinabol nito ang bus na biyaheng Quezon City at sumabit ngunit nakabitaw dahil sa umaandar ang bus.  Pumailalim sa bus ang biktima at nagulungan. Isinugod ng mga rescuers ang biktima sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City ngunit nalagutan ng buhay dakong alas-4:28 ng hapon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang sinampahan na ng kasong homicide through reckless imprudence sa Makati City Prosecutor’s Office ang suspek na si Jimena.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with