Hindi lang mga isda ang sinasabing naapektuhan sa umano’y hinihinalang paggamit ng dinamita kundi maging ang mga tahong sa shoreline ng Las Piñas- Parañaque EcoTourism area.
Kuha ni Edd Gumban
2 toneladang patay na isda, ibinaon
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Minabuti ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque na ibaon na lamang sa lupa sa dalampasigan ang dalawang toneladang isda na lumutang sa unang hininalang fishkill, kamakalawa ng hapon.

Nagtulungan ang mga  tauhan ng PNP Maritime,  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Pamahalaang Lungsod na Parañaque   sa paghuhukay at  pagbabaon sa mga patay na isda.

Lumalabas sa inisyal na pagsusuri na sumabog na dinamita ang posibleng dahilan ng ikinamatay ng mga isda, ayon kay Parañaque City Agri­culture and Fisheries Officer Nilo Jermedia,  

Ito ay makaraang kumuha ng sampol ng mga buhay pang isda na lumutang sa dagat at isailalim sa eksaminasyon.  Nadiskubre na bugbog ang katawan ng mga isda at bali-bali ang mga tinik tanda ng malakas na impact na natamo.

Hinala naman ng BFAR na sa ibang lugar ginamit ang dinamita ng mga mangingisda at inanod  lamang ang naglutangang mga patay na isda.      

May mga nagsasabi naman ng namatay ang mga isda dahil sa nagbago umano ang temperatura ng tubig at nawalan ng “dissolve oxygen” ang mga ito.

Patuloy ang pagsusuri ng BFAR sa insidente habang nanawagan sa publiko na huwag ibenta o kainin ang mga lumutang na isda dahil sa maaaring masama na sa kalusugan ito.

PATAY NA ISDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with