Patuloy na kinikilala ng pulisya ang napaslang na suspek na nagbunot ng baril habang nakatakdang arestuhin ng mga pulis nang makitang may bitbit na baril.
FILE
Anti-Criminality operations sa Muntinlupa: 1 patay, 400 arestado
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isang hinihinalang kriminal ang nasawi makaraang maki­pagbarilan sa mga pulis habang higit sa 400 iba pa ang nahuli sa ikinasang “simultaneous anti-criminality and law enforcement operations (SACLEO)” ng Southern Police District (SPD) sa Muntinlupa City, mula kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Patuloy na kinikilala ng pulisya ang napaslang na suspek na nagbunot ng baril habang nakatakdang arestuhin ng mga pulis nang makitang may bitbit na baril.  Anim pang iba ang nadakip dahil sa ilegal na pagdadala ng baril, 11 ang hinuli dahil sa nakatala sa wanted persons, 16 dahil sa ilegal na sugal, apat ang may kinakaharap na warrant of arrests, at dalawa sa naaresto ay miyembro ng “Alfred Ocampo Robbery Group” na may warrant of arrest.

May 58 drug personality ang nawalis sa mga operasyon kabilang dito ang 29 tulak at 29 users.  Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa 73 plastic sachet ng shabu na may halagang P97,716 at limang plastic sachet ng marijuana.

Nasa 100 katao ang nasita sa mga ikinasang checkpoints at 65  sa ‘Oplan Sita Operations’ na nagresulta sa pagkakakum­piska sa 35 motorsiklo na walang kaukulang dokumento, 23 iba’t ibang baril, tatlong granada at dalawang patalim.

Ang iba ay lumabag naman sa mga ordinansa sa lungsod.

SACLEO SPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with