Nakaditine ngayon sa Caloocan City Police Detention Center ang mga suspek na sina Marvin Nival, 24, construction worker, at si Christian Mark Flores, 18, mekaniko at kapwa nakatira sa DM Compound, Brgy. 73 ng naturang lungsod.
FILE
Suntok sabay hablot bagong estilo ng snatchers
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Caloocan City Police ang publiko sa bagong estilo ng mga snatcher na susuntukin muna ang biktima bago hahablutin ang target na gamit makaraang dalawang suspek ang madakip, kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Nakaditine ngayon sa Caloocan City Police Detention Center ang mga suspek na sina Marvin Nival, 24, construction worker, at si Christian Mark Flores, 18, mekaniko at kapwa nakatira sa DM Compound, Brgy. 73 ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad sa may DM Compound ang biktimang si Romer John Adams, 22, dakong alas-3 ng madaling araw nang biglang sumulpot ang dalawang suspek.
Agad na sinuntok ni Nival ang biktima habang hinablot ni Flores ang bag na naglalaman ng isang cellular phone na nagkakahalaga ng P9,000 at pera na aabot umano sa P9,000.  

Mabilis na tumakas ang mga suspek ngunit nadakip din sila sa follow-up ope­ration ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa DM Compound ngunit hindi na narekober ang telepono at pera ni ­Adams. Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong Robbery at Physical Injuries.

SNATCHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with