2 pang ‘tirador’ sa Tondo, arestado
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2019 - 12:00am

Bumagsak na rin sa kamay ng Special Mayor’s Reaction Team( SMaRT) ng Manila City Hall at MPD Don Bosco PCP ang dalawa pang suspek na kasama sa apat na nambiktima sa isang trucker na nakuhanan ng video sa gitna trapik sa Road 10, Tondo.

Hinarap mismo ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga suspek na sina Jack Dumapi, 18, third year high school student at Jimwell Jimenez, 20, walang trabaho.

Lumilitaw na mga magulang  nina Dumapi at Jimenez ang nag-tip sa mga pulis ng kinaroroonan ng mga ito.  Naabutan ng mga pulis ang dalawa sa isang truck na nakaparada sa Gate 2 sa Parola Compound.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang isang sumpak o improvised shotgun na may 12-gauge shotgun ammunition at isang ‘pen gun’ na shotgun na may isang bala ng M-16 assault rifle.

Sinabi ni Moreno na hindi niya hahayaan na maghari ang karahasan at krimen sa lungsod. Samantala,nanawagan naman si Moreno sa suspek  at lider na si JunJun Barola na sumuko na lamang upang maiwasan ang anumang  gulo.

Si Barola ang naghiyakat  kina Dumapi at Jimenez na mambiktika ng truck.

Matatandaan na nag-viral ang isang video sa social networking site na Facebook kung saan sapilitan nilang buksan ang pintuan ng isang trak para mangholdap ng trucker sa Road 10.

MPD PCP SMART
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with